Kung Minsan ay Dumaing ang Magpakailanpaman
Tinatawag sa malamig na hangin ang ating ngalan,
Hindi nga maikukubli
Ang pakiramdam ng nasasawi
Kahit sa ligaya at sa musika man idaan.
Kung minsan ay dumaing ang magpakailanpaman,
Batid ko'y sasagutin mo rin wikang kanyang laan.
Puso man ay sumuko,
Ito'y muli ring tatayo,
At susubukin ding muli ang pag-ibig na nakaraan.
Giliw, napagtanto ko rin
Nakakalason at nakamamatay ang pagsinta natin.
Sabi nila ito'y mali, pakiramdam kong ika'y tama,
Ang gamot sa habambuhay, kasama ng pusong ulila.
Kung minsan ay dumaing ang magpakailanman...
Lumipas man ang panahon,
Ang yamot, sakit, ligaya, galak ay naroon.
Ano'ng lumbay, pasakit ko ang malimot lang kita,
Lagi kang alaala - siyang sinisinta ka.
Kung minsan ay dumaing ang magpakailanman...
2024
Свидетельство о публикации №126042101964