Pambansang Awit ng Eritrea - Гимн Эритреи
Ang kalaban niya'y tanan nang naiwaksi,
Natamo ang kalayaang minimithi!:|
Tangan niya'y kanyang kabihasnan
Ngalan niya'y sandata sa labanan,
Siya'y tanggulan ng inaapi,
Pahiwatig ng katotohanang nagwagi.
Eritrea! Eritrea!
Sa sanlibutan ikaw ay dakila!
At tayo na malayang bansa
Sa kanyang buhay magtatiyaga,
Upang matupad ang layunin
Ng kinabukasang maningning.
|:Eritrea! Eritrea!
Sa sanlibutan ikaw ay dakila!:|
2025
Свидетельство о публикации №126032105285