Awit sa Halalan

Halina na't pumunta tayo sa halalan!
Halina na't tayo'y magbotohan!
Ang mga sati'y namumuno,
Ang demokrasya ay gumagabay!
Piliin natin ang mahusay at may asal,
Sa taongbayan ay mapagbigay,
Upang bansa natin ay muling makabangon,
Ang Pilipinas ay muling mabubuhay!

Halina na't pumunta tayo sa halalan!
Halina na't tayo'y magbotohan!
Para sa'ting kinabukasan,
Ang katarungan ay gumagabay!
Magtalaga ng maigi, at pag-isipan
Upang ang buwaya ay matiwakal!
At kung siya ba ay magaling, nakakabubuti
Sa ating bayan na may puso't may dangal!

Halina na't pumunta tayo sa halalan!
Halina na't tayo'y magbotohan!
Para sa ating kabuhayan,
Ang katarungan ay gumagabay!
H'wag malilinlang sa itsura o sa pera,
Maging sa mga sinasalita,
Kundi piliin mo'y tapat, handa sa laban,
At sa palagi handa kang paglingkuran!

Kaya lahat nito'y ngayon mo na tandaan,
Para handa ka na sa ating halalan!

2022


Рецензии