Ang Iyong Mga Mata
Panahon ng kamusmusan?
Noong tayo'y naglakbay
At nagtampisaw sa ulan?
At noong tinignan ko
Ang iyong bughaw na mga mata
Nanatili roon
Pagsinta nating dalawa.
Para bang apoy at hangin na tumatangay
Ang pag-ibig na 'di malumbay.
Sa bawat tanong, wari ko kung alam mo ba
Na mahal kita?
Nasa iyong mata
Ang pagsintang naglaho na.
Tulad ng panahon,
Himala kung maibabalik pa.
Katha siya ng hangin,
Panaginip sa umaga -
Pahimakas rin siya,
Ang iyong mga mata.
Sinisinta kita...
2025
Свидетельство о публикации №126031905660