Bukas Tayo Ay Lilisan
Tungo sa ating nakaraan.
Ang pagsinta nating hagkan,
Ay nabalot ng kalungkutan.
Dito rin tayo'y nagtagpo
At nagsama ang ating puso
Ang huni ng ibo't hangin,
Ay siyang nagpasama sa'tin.
Mga araw natin na nagdaan na
Maibabalik pa ba?
Mga pangarap nating nasa ulap
At buhay nating sabay na tinatag...
Bukas, 'di malilimutan
Ang poot nating naranasan.
Ngunit, darating ang araw
Magiging tunay ang kagalakan.
2025
Свидетельство о публикации №126031905629