Bigay Sa Iyo
'Di ko ba alam kung kaya kong limutin ka.
Akala ko ikaw rin ay lilisan,
Ngunit ika'y nanatili, at nagdaramdam
Sa aking tabi.
Darama ko rin ang kalungkutan mo,
At ang pahimakas ng mga awitin mo.
Kung ikaw man ay nagagambala,
'Di na makaahon pa, ika'y magpahinga
Sa palad ko.
Mga araw nating nagsipagdaan,
Tayo ngang dalawa pa ri'y magkahagkan.
Wari ko na ako'y hindi sapat sa iyo -
Ang puso at buhay, ibibigay sa iyo.
Darama ko'ng labis kang nangangamba,
At ang mga kislap ng iyong mata'y nawawala.
Halika, at atin nang pawiin
Ang mga hinagpis mo, at ika'y humiga
Sa piling ko.
Mga araw nating nagsipagdaan,
Tayo ngang dalawa pa ri'y magkahagkan.
Wari ko na ako'y hindi sapat sa iyo -
Ang puso at buhay, ibibigay sa iyo.
Wari ko na ako'y hindi sapat sa iyo -
Ang puso at buhay, ibibigay sa iyo.
Ibibigay sa iyo...
2026
Свидетельство о публикации №126031905292