Mahal Kong Bayan

Mahal kong Bayan, Ika'y maganda
Sa dagat mo't kabundukan,
|:Mga bulaklak na namumukadkad
Kapatagan mong kay luntian.:|

Mahal kong Bayan, sa'yong buhay
Sa lungsod at sa probinsya
|:Nariyan nga ang aking tahanan -
Mga kaibigan at pamilya.:|

Mahal kong Bayan, ang aking hiling
Na ika'y totoong palarin,
|:Sa bawat araw ng hirap at sinta
Ang pangarap ko'y aabutin.:|

At kung ikaw man ay hindi sapat
Sa aki'y kulang ka pa,
|:Aking gagawin buong puso't damdamin
Nang tunay kang maging dakila.:|

2023


Рецензии