Doon sa Bundok ng Tayabas
Ang mga Huk ay nagmartsa
|:Upang palayain ang Bayan
Sa berdugo na pasista!:|
Ang tanglaw nami'y sosyalismo
Na sa amin ay gagabay;
|:Tayo'y magsikap, o kasama,
Upang makamtan tagumpay!:|
Kami'y mga bagong bayani
Rebolusyonaryong hukbo;
|:Tayo ang tanging maasahan
Ng ulirang bayang ito.:|
Kami'y magmamartsa sa parang
Wari'y hindi na babalik:
|:Ngunit tumahan na, o hirang,
Kamatayan nami'y wagi!:|
Itaas na ang bandila
Kay pula niya ang dugo:
|:Ang simbolo nating digmaan
Ng Magpapalayang Hukbo!:|
Dapat magkaisa na tayo
Wakasin ang pagdurusa:
|:Mabu- Mabuhay ang Pilipinas!
Ang ating Bansang Malaya!:|
2024
Создано в контексте восстания HUKBALAHAP на Филиппинах в 1940-1950-х годах.
HUKBALAHAP - Hukbong Bayan Laban sa Hapon (Армия Народа против Японии) - социалистическая партизанская организация, которая воевала против Японии во Второй мировой войне, а до середины 1950-х годов — против правительства Филиппин.
Свидетельство о публикации №126031502681