Ang Awit ng Barsobya - Варшавянка 1905

Rinig niyo ba ang dagundong ng langit?
Ang kadiliman ay sa'ti'y nagbabanta.
Kaharap man natin ang kamatayan,
Magwawagi ang ating pag-aalsa!
Dala ang watawat ng kalayaan,
Ginintuang ilaw niya ay tanglaw
Sa bawat dako nitong Silanganan
Siyang magwawagi sa huling labanan!

Humayo sa kalayaang dakila,
Sulong ka, uring manggagawa!
Tibayin ang hanay, gapiin ang kaaway,
Sulong ka, uring manggagawa!

Sambayanan, ngayon ay nakagapos.
Tanikala niya'y dusa ang sanhi
ngunit sa bukang-liwayway ay natapos!
Kadena'y nilagot ng ating mithi.
Mga kababayan nati'y nasira
Nitong digmaan at pananakop:
Sa diwa ng ating mga bayani,
Hayo, kasama! Sa'min ay bumuklod!

Humayo sa kalayaang dakila,
Sulong ka, uring manggagawa!
Tibayin ang hanay, gapiin ang kaaway,
Sulong ka, uring manggagawa!

Lagutin ang mga trono't tirano,
Lagutin mga dekadang mapang-api
Tayo ang hanay ng kinabukasan
Na ang taongbayan ay magwawagi!
Sarili rin natin ang pag-asa natin
Na makabangon sa dusa't luha,
Kaya't humayo sa pakikibaka,
Ang ating tagumpay ay narito na!

|:Humayo sa kalayaang dakila,
Sulong ka, uring manggagawa!
Tibayin ang hanay, gapiin ang kaaway,
Sulong ka, uring manggagawa!:|

2025


Рецензии