Saklolo

Minsan, tayo'y nag-away
At doon, tayo'y nawalay.
Ngayon, 'di ko pa rin alam
Bakit ko ginawa,
Ako'y nagsala pa.

Kaya aking inakala
Muling makikita ka,
Mga araw'y naging gabi,
Hindi na nakita muli.

Sadyang ganyan, ako'y nasa isip mo,
Sana ako'y nagseryoso.
Dahil sa akin, ang pagsinta'y nasaan?
Maaari bang balikan?

'Di mo nga alam ang totoo
Kung bakit ikaw ang tanging gusto
Puso mong dalisay lang ang aking buhay
Huwag lumisan, irog kong tunay.

Sadyang ganyan, lagi kang hagkan
'Di na mararamdaman...
Ginawa ko ang lahat ng gusto ko
Mapapatawad ba ako?

'Di mo nga alam ang totoo
Kung bakit ikaw ang tanging gusto
Puso mong dalisay lang ang aking buhay
Huwag lumisan, irog ko...

Ikaw lang ang irog kong tunay,
Kung mawala ka pa, ako'y malulumbay
Tayo'y magkahawak, tayo'y magkayakap
Bumalik ka na, mahal kita!

2026


Рецензии