Awit ng Pag-Ibig - Hymne a l Amour
Matuyo man ang karagatan
Kung mahal mo'ko’ng lubusan,
‘Di mapanghihinaan
Sa bawat umaga'y nariyan ka
At haplos mo sa aking mukha
Wala sa'king alintana,
Nariyan ka, minamahal kita, sinta!
Tatahakin ko'ng mundo
Sarili'y papagurin ko
Kung ito’y siyang nais mo
Mga tala'y kukunin
Kayamana'y alay din
Kung ito nga'y nais mo!
Itatakwil ko'ng aking bayan
Iiwanan mga kaibigan
Kung ito’y siyang nais mo
Wala nang pakialam
Kung tayo ma'y pagtawanan,
Ito nga'y siyang nais mo!
Kung tayo'y pinaglapit ng tadhana,
At ikaw man ay pumanaw na,
Tatakwil ko ang sarili
Upang makasama ka!
At bukas, sa'ting walang hanggan
Magkasama sa kalawakan,
Doo'y walang hapis ni luha,
Dahil doon, tayo'y nagmamahalan na!
Sa Diyos, tayo’y mag-iisa!
2026
«Hymne a l'Amour» — песня Эдит Пиаф, выпущенная в 1950 году, с текстом Эдит Пиаф и музыкой Маргариты Монно. Ставшая классикой французской песни.
Свидетельство о публикации №126031502369