Martsa ng Mandirigma - Ваяцк марш
Ng ating malayang bayan!
Nawa ay makamit sa laban
Ang minimithing kalayaan!
Buhay ang diwang Bielorusiano
Sa kaniyang mamamayan;
Mga puti-pulang bandila'y
Tumatawag sa labanan!
Hayo! Tungo sa luwalhati
Siyang landas ating tahakin,
Nang iwakas ang pagdurusa
Mula sa Inang Bayan natin!
Nawa'y ang ngalang Bielorusia
Madinig sa sanlibutan;
Upang ang sino ma'y lumusob
Galit nami'y matitikman!
Tungo sa'ting kadakilaan
Hayo, o bayan! Tayo'y magmartsa!
Upang atin nang maipagdiwang
Ang malayang Republika!
Ang malayang Republika!
Гимн самопровозглашённой Белорусской Народной Республики в 1918 гг. Переведено А. Э. фон Тайнфельденом в 2024 году.
Свидетельство о публикации №126031501370