Aking Napanaginipan - Ich hab die Nacht getraeumet
Trahediyang kay bigla;
Sa aking halamana'y
Romerong maputla.
Hardin ko'y sementeryo,
Bulaklaka'y puntod,
Mula sa aking puno'y
Mga daho'y nahulog.
Na'ng kunin ko ang galong
Yaring purong ginto;
Akin 'to'y nabitawan,
At nabasag ito.
Mga perlas at brilyante
Sa paghulog niya'y wari ko,
Ano'ng mensaheng batid?
Patay ka na ba, sinta ko?
Свидетельство о публикации №124103104960