Bayan Kong Hirang

Bayan kong hirang,
Perlas ng Silangan,
Dinggin ang himnong
Alay nitong tangan.
Taas-kamay kaming
Sa iyo nanunumpa
Magpakailanman.

Ang mga lupang
Kapilipinuhan
Sa Kasarinlan
at Katarungan,
Puso at diwa,
Titindig sa tama,
Kami'y lalaban!

Ningas, mag-alab!
Magliyab sa langit
Ang Sangkapuluan
Ngayo'y umaawit
"Mabuhay, o Ina!
Hangad at gagawin
Ka naming malaya!

Ningas, mag-alab!
Aming pupurihin
Ang iyong bayang
'Di magpapaalipin!
Tayo na'y humanda!
Ang ara'y sisikat
Sa Bayang malaya!

MABUHAY KA, INANG BAYAN!


Рецензии