Marsilyanin ng Manggagawa - Рабочая Марсельеза
Itakwil makalumang mundo!
Ayaw namin sa burgis na buwaya
At kan'lang mapang-aping ginto!
Nasa amin ang hanay ng masa
Ng gutom, ng ulila't dukha,
Tayo'y maghiganti sa kaaway,
Sa mga parang ng labanan!
Bangon, makibaka, o mangaggawa!
Bangon, makibaka, anakpawis!
Dagundong ang sigaw nating Bayan,
Sulong! Sulong! Sulong! Sulong! Sulong!
Ang mga mayayamang pirata
Ay sa ati'y nagsamantala;
Ginugutom at inuuhaw
Hanggang sa tayo'y walang-wala.
Sa pera sila'y nagdidiwang,
Sa luho sila'y nabubuhay,
At upang 'di sila mahirapan,
Kalul'wa nati'y inaalay!
Bangon, makibaka...
Pahinga lang sa ati'y himlayan,
Araw-araw ay nakahanda!
Iniinom niya ang dugo nating
Mga anakpawis - ang bampira!
Sa digma niya'y sundalo'ng kailangan,
Ibigay niyo'ng inyong mga anak!
Sa mansyon niya'y bulwaga'y kailangan,
Ang dugo niyo'y lahat idanak!
Bangon, makibaka...
'Di pa ba sapat ang paghihirap?
Hayo, kasama, sa'ting laban!
Sa Batanes hanggang sa may Sabah,
Sa bundok, dagat, kapatagan!
Kalabanin taksil na buwaya!
Ang pirata, bampira man din!
Mga taksil ng baya'y kaaway -
Bagong Kalayaan ating kamtin!
Bangon, makibaka...
Pagkatapos ng sagradong laban
Sisilay ang gintong araw
Ng katarungan, kapayapaan
At ng kadakilaang tanglaw!
Tayo na din ay magmamartsa
Sa Kalayaan niyang landas,
At doon magkakaisa't mabuhay
Sa kaharian ng sagradong gawa!
Bangon, makibaka...
«Рабочая Марсельеза» использовалась в качестве гимна России в первые месяцы после Февральской революции. Известна также под названия «Отречёмся от старого мира». Переведено на русский язык А. Э. фон Тейнфельденом в 2024 г.
Свидетельство о публикации №124103103764