Марш Железнодорожников Филиппины
(Martsa ng Daangbakal ng Pilipinas)
I
Kami ay hukbo ng daangbakal
Ang sinuma'y 'di makasusupil;
Ng aming giting at taglay na tapang,
Ang sulong nami'y 'di matitigil!
Tungkulin namin ay nararapat
Na ipagdugtong ang Inang Bansa!
Diwa ng Siyamnapu't Anim na laban
Ay gagabay sa'min sa dakila!
Припев
Daangbakal! Buhay nami'y laan
Sa pag-unlad ng Kasilanganan!
Kami'y tutungo sa parang ng palad,
Sulong! Walang tigil sa pag-usad!
Daangbakal, buong sipag at lakas
Sa paglingkod ng husay at patas
Tulad ng makinang tatag ng diwa,
Paglilingkuran ang buong Bansa!
II
Sa panahon nahubog ang tatag
Ng bawat kawal, bawat sagisag
Kasama ang tao sa pagbubuhay
Ng isang bagong umagang silay!
'Di bale ang unos at ang ulan
Kasingtatag ng tren kami'y nariyan
Mga anak kami ng Himagsikan,
Mga magsisilbi sa Inang Bayan!
Припев
III
At kung minsa'y tamaan ng sakuna
At ng delubyong nakasisira
Tuloy kaming babango't babata
Hanggang Sangkapulua'y makita!
Handa kami sa kinabukasan
Dala niya'y ating kaluwalhatian
Sa Inang Republika'y aming pagpugay;
Ang taongbaya'y tiyak tatagumpay!
Припев (2x)
Слова и музыка А. Э. фон Тайнфельденом, 2024 г.
Свидетельство о публикации №124051802890