Guillermo - Wilhelmus
Guillermo ng Nassauwe
Dugo ko'y Aleman,
Sa Bayan ko ay aking
Tiwala kailanman.
Ako'y Prinsipeng Oranje
Malaya't may budhi;
Sa Hari ng Espanya
Ako'y makakabuti.
Umaasa at nabubuhay
ako sa Maykapal:
Gayon ako'y hiniwalay
Mula sa'king kawal.
Ngunit mayroong tiwala
Akong Siya'y susugo,
At ako'y Niyang ibabalik
Sa Inang Bayan Ko.
Iwasan niyo ang sala,
O Kababayan ko:
Ang Panginoon ang siyang
Tagapagligtas niyo:
Ngayo'y kayo'y hinahabol
Ng pustang kaaway:
At magdarasal palagi
Nang hindi mawalay.
Gabay ko at dambana'y
Ikaw, Bathalang Diyos.
Tanging ikaw ang makakaligtas
Sa'king unos.
Nawa Sa'yo'y manilbihan
Sa habang panahon,
Upang ang tiraniyang salot
Ng bayan ko'y mapawi ko.
Краткая версия из 4 куплетов переведено на филиппинский язык А. Э. фон Тайнфельденом в 2023 г.
Свидетельство о публикации №123042303880